Friday, February 26, 2010






Habang nabubuhay tayo maraming pagsubok ang dumarating sa atin na kung saan marami tayong natututunan. Sa paglipas ng panahon mas maraming pagsubok na minsan mas malala pa kesa sa dati. Normal nga kasi ang problema, kadalasan naninisi tayo ng ibang may kasalanan pero ang hindi naman natin magawang tanggapin ang pagkakamali natin sa buhay. May mga desisyon tayong ginagawa na minsan hindi natin alam kung tama o mali ang mahalaga sa bawat karanasan natin may natututunan tayo. Hindi tayo nilikhang perpekto para malaman natin kung gaano kaganda ang buhay kung tao mismo ang makakaranas ng mga pagsubok na syang magpapatatag sa ating pagkatao. Habang nabubuhay tayo mas marami tayong nalalaman at mas natututo tayo sa ating mga karanasan. Nasa atin naman kasi yun eh, kung pano natin titingnan at lalabanan ang mga pagsubok na ating pinagdaanan. Maniwala lang tayo, at sa huli malalaman din natin kung gaano kasaya ang mabuhay. Lahat naman kasi tayo may kanya kanyang pinagdadaanan, wala naman talagang malas sa buhay eh, nasa gawi lang ng ating paniniwala ito kung titingnan natin sa positibo o negatibong paraan. Noon, akala ko sobang bigat ng problema ko dahil siguro sa nagsasabay sabay ang mga iniisip ko, hanggang sa nasabi kong ang malas ko, po hindi pala. Nakikita ko ang tunay na mundo na kung saan mas maswerte pa pala ako kahit na di kami nabuhay sa karangyaan. Nag- aaral ako ngayon, maraming nalalaman at malalaman pa na alam kong makakatulong sa aking pagkatao. Mahirap humarap sa mga pagsubok, pero sana wag tayong panghihinaan. Masarap mabuhay sa kabila ng mga pagsubok.:)